Saturday, March 6, 2010

Supposed-to-be group message, but my Android phone messed up...

Gusto kong mag-gm.. yung may lyrics na nagpapaalam..

"All I have to say is goodbye.. we're better off this way, we're better off this way..."

-Goodbye by Secondhand Serenade

Tapos ipapadaan ko sa kaniya, or better yet, sa kanya ko lang isesend.. sigurado magrereply yun.. magtatanong ng "hu r u?" Or if nakasave pa number ko sa kanya, mangungumusta..

Pag di niya ako kilala, magpapakilala ako, "Xsander.. or Jacen?"

At sigurado kilala na niya ako..

Ganyang ganyan mga pinapantrip ko sa kaniya nun eh.. haha..

Sibilisadong tao yun, kaya magtetext yun, magkukuwento..

At ako sasabihin ko sa kanya ang mga problema ko.. parang nung time lang na inaway ko ang 3-Diamond, alam ko kakampi ko siya nun kahit nasa section na yun yung mahal niya at syempre nung inaway ko ang buong Filipino Club.. pinalakas niya ang loob ko nun, lalo na't di ko alam kung makakapasok pa ako or expelled na..

Sasabihin ko sa kaniya ang problema ko sa Pacesetter, kay Bea.. pero never yung problema ko sa kanya, dahil wala naman siyang magagawa dun.. at sigurado, lalakas ang loob ko.. magagawa kong lunukin ang pride ko at tanggapin ang lahat ng masasabi ng mga editors ko sa katamaran at pagiging iresponsable ko at syempre yung hirap at katalinuhan nila.. at ako ang unang magsosorry kay Bea, basta sabihin niya lang..

Pero yun na nga yun eh.. never ko siyang itetext kahit nasakin ang bagong number niya na may picture pa.. egocentric ko masyado, haha.. tsk tsk..

Nakakainggit si Chrissa, may nagpapalakas ng loob.. eh ako, dapat mag-isa kong pasanin 'to.. parang yung dati lang.. kaya ko naman siya itext eh, fyi, nagload ako ng 40php kaya may 20 free texts pa ako. Kahit matapos na ang unli.. pero di ko talaga kaya..

Magtatanong panigurado yun kung kanino ko nakuha number niya, "kay Benj, kapeys namin yun eh".. bakit ko naman kinuha? "Syempre, di ba obvoius? Mahal na mahal pa rin kita.." at yun ang never ko pwedeng iadmit out loud..

I don't know what to do...

 

No comments:

Post a Comment